Ang sosyal nung title ano? Nuong una ko ngang naencounter itong word na ito ay nabighani kaagad ako. Akala ko related sa music kasi may sing hahaha! ♫ According sa best pal kong si Google; ang musing daw ay isang period of reflection or thought. Synonyms nito ay meditation, thinking, contemplation, at reflection just to name a few. Now you know at para maalala ko din ulit. Kuya Bebot on the left side. Ako yung may makintab na ulo. This is our Victory Group. Photo Credit to Xaviz De Guzman. Sino ba si Kuya Bebot? I met Kuya Bebot by chance sa Victory Sucat. I was sitting sa mga upuan near our church and merong nag-alok sa akin ng coffee. I thanked him sa offer niya kaso sabi ko nagpapalpitate kasi ako kapag nagcocoffee kaya puro water lang ako. (And matcha green tea. Kaya sa mga gusto manglibre sa akin, now you know. 😉) Mabilis kaming nagkaroon ng connection at nabanggit nga niya na parang gusto pa niya umattend ng isa pang service; yung 11 am dahil medyo nakukulangan pa siya sa Word ni God. Sabi ko na 'since wala siyang kasama nuon eh sumama na lang siya sa amin.' Then from there sinama nadin namin siya sa aming Victory Group meeting para mas mapag-usapan yung topic from that day's preaching. His story is a fascinating one. Nagbakasyon siya dito sa Parañaque dahil sa reunion ng kanilang family at taga Zamboanga City talaga siya. Nastranded yung sasakyan niyang barko nuong Sunday, June 11 at within two weeks pa ang reschedule ng paglalayag niya. Pupunta na sana siya sa isang simbahan sa Pasay ngunit kulang ang kanyang pamasahe at parang may naglead sa kanya na pumunta ulit dito sa Victory Parañaque. Medyo lost siya and I am happy to be an instrument of God para ibalik siya sa path na pinlano ni God para sa kanya. I can see na talagang nainspire siya sa mga napag-usapan that day at nagpasalamat siya sa buong group sa pagtanggap sa kanya dito at talagang si Lord ang ginoglorify namin. Natapos ang araw at nagkapalitan kami ng number ni Kuya Bebot para kung one day daw eh makapunta ako sa Zamboanga City "God willing" eh masabihan ko siya para i-welcome ako. I mean, duon pa lang sa sinabi niya eh natouch na ako. Talagang kapag gumawa ka ng mabait sa kapwa without expecting something in return eh may maganda ding mangyayari sa iyo. Galatians 6:9 (ESV) - And let us not grow weary of doing good, for in due season we will reap, if we do not give up. Naging parang magtextmates kami ni Kuya Bebot. Naalala ko nung grade school o high school ako eh uso yung pasahan ng quotes. For two days eh walang patid siya sa pagmemessage sa akin, morning and evening; kaya naman nainspire ako gawan ng blog si Mr. Redelio Leyson dahil ang gaganda ng mga sinesend niya and I know a lot of you could benefit from it din. With his permission, ito ang isa sa mga iyon: Background photo credit to : Foxy Folksy (link here) Close to being senior na si Kuya Bebot kaya hindi na niya maipopost sa Facebook ang mga quotes na ganito maging sa Instagram din. He is gifted sa pagsusulat/text kaya naman through the Holy Spirit's grace sa akin, inutusan Niya akong ispread ang Mabuting Balita in this digital age kung saan mas tutok pa tayo sa mga cellphone at computer natin kesa sa Bible. #realtalk We pray na sana gumanda na ang panahon sa mga susunod na araw para matuloy na ang iyong pag-uwi sa Zamboanga City upang maishare mo nadin ang baon na Word ni God na natutunan mo dito sa Parañaque. In Jesus' name. Amen! _ Are you inspired by this story? Malaking bagay kung i-lilike and share mo ito to your family and friends so others can see it. 😊 If you're in need of prayers; you can write it at my Get Connected page. If you haven't received Jesus Christ as your Lord and Savior, I suggest now is the best time to do it! Attend a church and make sure to get connected or ask me how. |
AuthorThe first duty of love is to LISTEN. - Paul Tillich ArchivesCategories |